Ano ito?
- Ang Quarantine:
Isang paraan ng paghiwalay sa apektadong indibidwal na nakakahawa o nagdadala ng sakit, upang mabawasan ang kadaliang maglipat ng pasyente ng sakit at pigilan ito mula sa transmisyon sa ibang tao.
- Ang Medikal na Quarantine:
Para sa malulusog na tao na walang mga sintomas ngunit pinaghihinalaang mayroong sakit, sila ay dapat ma i-quarantine habang binibigay sakanila ang kanilang pangangailangan hanggang matapos ang panahon ng inkubasyon o incubation upang masiguradong sila ay ligtas at malusog.
- Ang Quarantine sa loob ng bahay:
Ang taong hindi kinakailangang ipasok sa ospital at matibay, at sya ay nakahiwalay sa maaliwalas na kwarto sa loob ng bahay, na walang direktang ugnayan sa kahit sinong miyembro ng pamilya hanggang matapos o makompleto ang panahon ng inkubasyon. Upang makipag-usap sa miyembro ng pamilya, dapat itong magsuot ng mask at manatili ng distansya na hindi bababa sa isang metro.